Alternative Learning System
Release of October & November 2013 ALS A&E Test Results
Makalipas ng ilang buwan nang masinsinang pagre-review ay nasubukan na ang kaalaman ng mga ALS students sa pamamagitan ng mga itinakdang araw ng ALS A&E Test. Ginanap ang mga ito noong October 06, 2013 para sa Regions IX, X, XI, XII, Caraga at ARMM; October 13, 2013 sa Regions V, VI, VII at VIII; October 20, 2013 sa Regions I, II, III at Cordillera Administrative Region (CAR); at, ang pinakahuli ay noong November 10, 2013 para sa mga taga-National Capital Region (NCR), Regions IV-A (CALABARZON), at *IV-B(MIMAROPA).
Inaasahang sa mga susunod na buwan malalaman ang naging resulta ng mga ginanap na pagsusulit. Bilang basehan ang mga nakaraang taon ng ALS, ang paglalathala ng ALS Result na ginanap sa iba't-ibang lugar at araw ay nangyayari sa parehong petsa lamang. Ang ALS Result na iniri-release ay ang opisyal at kumpletong listahan ng mga pangalan ng mga pinalad pumasa at mayroon nang pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang naudlot na pag-aaral.
Tulad ng mga nakaraang taon, ipinaalam sa mga mag-aaral na ang ALS Test Result ay ilalathala sa website ng DepEd (deped.gov.ph) sa darating na buwan ng Pebrero nang susunod na taon. Ngunit atin na ring asahan at unawain ang posibilidad ng pagka-antala nang paglathala nito. Katulad noong 2011 kung saan April 2012 na nai-release at March 2013 naman para sa ALS 2012. Atin sanang unawain na kada taon ay mas dumarami ang naaabot ng impormasyon ng programang ito ng ating pamahalaan. Dahil dito ay mas dumarami rin ang bilang ng mga mag-aaral, dagdag pa sa lumolobong bilang ang mga repeaters o yung mga hindi pinalad maipasa ang nakaraan nilang pagsusulit at sumubok muli ngayong taon. Kung sakali ngang mangyari ang pagkakaroon ng delay, matuto sana tayong maging pasensyoso at isiping mas mabuti nang mabagal ngunit maingat ang ginagawang pagtse-tsek lalo sa bahagi ng essay writing na manu-manong isinasagawa.
Bilang paglilinaw, ang petsa ng pagri-release ng ALS Test Result ay iba pa sa petsa para sa distribution ng Certificate of Grades.
Asahan ninyong ilalathala rin sa website na ito ang kopya at source links ng 2013 ALS Test Results - Elementary at Secondary Level sa parehong araw na ilathala ito ng DepEd.
Ipagdasal nating nawa'y makapasa ang lahat sa pagsusulit. To God be the Glory!
UPDATE (February 21, 2014):
The results is officially released, click here.