ALS Review
Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung nabaliktad ang ating paggamit sa ng at nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga ito.
Sa lesson na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para malaman kung ano ang dapat gamitin sa ng o nang sa isang pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung kailan kailangang gamitin ang nang ang sa isang pangungusap:
Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb).
Talon nang talon ang mga bata.
Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).
Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.
Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.
Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente.
Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.
Mga Halimbawa:
Ang lupaing ito ay pag-aari ng mga Reyes.
Si Marko ang siga ng Maynila.
Inubos ng bata ang kanyang pera sa pagkain.
Si Lupe ay inakusahang nagnakaw ng paninda.