Tuesday, June 19, 2012

Problem Solving - Meralco

ALS Review

Mayroong dalawang uri ng electric meter o kuntador na mas-kilala ng karamihan, ito ay ang digital at analog electric meter.

Digital Electric Meter
Sa kasalukuyan, marami na rin ang gumagamit ng digital na kuntador. Dahil ito ay digital, ay mas madaling basahin at kalkulahin ang aktwal na nakukunsumong kuryente.
ALS Review - Meralco Digital Electric Meter
Photo Credit: Flickr
Ang mga pinakamalalaking numerong makikita sa LED display ng digital na kuntador ay ang kasalukuyang reading ng inyong nakunsumong kuryente. Karaniwan sa mga digital na kuntador ay mayroong feature na ipinapakita ang aktwal na nakukunsumong kuryente kung saan ito naka-kabit. Malaking tulong ang feature na ito upang ating malaman kung anu-ano sa ating mga de-kuryenteng appliances ang kumukunsumo ng malaki. Ito ang katumbas ng disk sa analog na kuntador o yung mapapansing umiikot ng mabagal o mabilis depende sa mga nakabukas na appliances.

Analog Electric Meter
Ang nananatiling may pinakamaraming gumagamit pa rin sa kasalukuyan.

Photo Credit: Google Images
Ang mga dials (parang maliliit na orasan) ang mga nagre-record ng nakunsumong kuryente (kwh). Ang bawat dials ay may nirirepresentang place values. Mula sa kanan, ang unang dial ay ones, ang sumunod ay tens, susundan ng hundreds, at thousands ang nasa pinaka-kaliwa. Subukan nating basahin ang sample sa itaas na analog na kuntador:

Dial Pointer x Place Value = Reading
2 x 1000 = 2000
9 x 100 = 900
8 x 10 = 80
1 x 1 = 1
Total = 2981 kwh

Huwag mag-alala kung sakaling magkamali ang taga-Meralco sa pag-record ng reading ng inyong kuntador para sa partikular na period dahil sa susunod na reading ay mai-o-offset naman ito.

Halimbawa:
Muling tignan ang sample na kuntador sa itaas, maaaring ang maging basa ng taga-Meralco ay 3081, pero ang totoong reading ay 2981. Lumalabas na dahil sa maling reading ay sumobra ito ng 100 kWh.
Ipagpalagay nating ang kuntador sa itaas ay ang reading para sa buwan ng May at mali itong nabasa na 3081. Kung ang average ninyong nakukunsumong kuryente kada buwan ay 200 kWh, ang reading ng inyong kuntador para sa sinundang buwan - April ay 2781. At sa susunod na reading para sa buwan ng June, ang magiging reading ng inyong kuntador ay 3181. Sa susunod na bill ang inyong lalabas na nakunsumo ay 100 kWh lamang.

May pagkakamali sa reading ng kuntador:
April (Tama ang Reading) = 2781
May (Mali ang Reading) = 3081
June (Tama ang Reading) = 3181
Total kwh Consumed = 400 kWh

Tama lahat ang reading sa kuntador:
April (Tama ang Reading) = 2781
May (Tama ang Reading) = 2981
June (Tama ang Reading) = 3181
Total kwh Consumed = 400 kWh

Mapapansing magkapareho lang ang total ng nakunsumong kuryente sa dalawang pagtatala sa itaas - sa mayroong pagkakamali sa reading at sa tama lahat ng reading sa bawat buwan. Siguradong nai-o-offset ito sa sumunod na buwan. Para mas madali pang maintindihan, pag-usapan natin ito sa pamamagitan ng presyo na makikita sa billing, ipagpalagay natin na ang rate sa bawat kWh na nakukunsumo ay P12.00.

Ang formula ay: 
Rate per kWh x (reading ng kasalukuyang buwan - reading ng nakaraang buwan) = Babayaran

May pagkakamali sa reading ng kuntador:
Ang babayaran para sa buwan ng May ay: P12.00 x (3081-2781) = P 3,600
Ang babayaran para sa buwan ng June ay: P12.00 x (3181-3081) = P 1,200

Tama lahat ang reading sa kuntador:
Ang babayaran para sa buwan ng May ay: P12.00 x (2981-2781) = P 2,400
Ang babayaran para sa buwan ng June ay: P12.00 x (3181-2981) = P 2,400

Parehong P 4,800 ang total ng babayaran ng dalawang pagtatala. Patunay lang na kung nagkaroon ng pagkakamali sa reading at naging dahilan ito ng biglang pag-laki ng inyong bill, asahan na sa susunod na buwan ay bababa ito. Kung ang problema naman ay ang inyong budget, kung P 2,400 and inyong budget bawat buwan ito lang ang ibayad, at sa susunod na buwan ay P 2,400 muli. Huwag mag-alala dahil ang Meralco ay nagbibigay ng 2 periods bago magputol ng serbisyo. Marahil ay sa kadahilanan ding ito at kanilang kino-consider ang human error na hindi naman naiiwasan paminsan-minsan ng lahat.