Tuesday, June 12, 2012

Ilan ang Score na Kailangan para Pumasa?

ALS Result

Nasimulan nang ipamahagi ang mga Certificate of Rating para sa nakaraang October 2011 Alternative Learning System Accreditation & Equivalency Test. Dito makikita ang scores sa bawat Paksa/Bahagi ng ALS Test. Lahat ng nag-test pumasa man o hindi ay mayroong matatanggap na Certificate of Rating gaya ng larawang makikita sa ibaba.



Kunin lamang ito sa Registration and Testing Center (RTC) kung saan ka nagpa-register. Makakakuha ka ng remarks na...

PASS
He/She has the competencies comparable to that of a secondary education graduate in the formal school sytem.

...kung ang SS (Standard Score) mo ay 100 o higit pa sa multiple choice na bahagi ng ALS Test at ang score mo na nakuha sa essay ay 2 o higit pa; o kaya ay ang SS ay 95-99 (sa multiple choice) at ang antas ng score sa essay ay 3 o 4.

Kahulugan mula sa DepED.gov.ph:
SS (Standard Score) - Nagsasabi ng kakayahan o kaalaman kapag ihahambing ang score niya sa score ng karaniwang grupo ng nakapagtapos ng sekondarya.
SS (Standard Score) - Indicates a test taker's knowledge and competence level in comparison with the norm group of high school graduates. The SS ranges from 60 to 120).
Ang certificate of rating ang ipi-prisinta ng successful ALS passers kapag mag-e-enroll sa college, o maging sa kumpanyang pag-a-apply-an. Ito ay katumbas ng High School Diploma at Report Card/Form 138-e ng mga nakapagtapos sa formal school system o yung mga regular na pumapasok sa paaralan.

Congratulations sa mga nakapasa!