Tip: ALS A&E Test
TIPs sa pagsagot ng Multiple choice:
(excerpts mula sa isinagawang seminar ng COLLEGE OF EDUCATION, UP DILIMAN noong 2013 para sa mag-aaral ng ALS)
- intindihing mabuti ang mga tanong
- huwag manghula ng sagot
- kapag ang pagpipilian ay mayroong salitang “lahat”, “palagi”, o “hindikailanman” -- kalimitan ay HINDI ito ang tamang sagot
- kapag mayroong dalawa sa pagpipilian ay magkasalungat/magkakontra, maaaring isa sa mga ito ang tama
- iwasang isagot agad ang “wala sa nabanggit” at “lahat ng nabanggit” (maliban na lamang kung sobrang obvious na iyon ang sagot)
- kapag masyadong mahaba/maraming makatwiran/tamang impormasyon ang isang pagpipilian, kadalasan ay iyon ang tamang sagot
- HUWAG isiping mayroong pattern sa mga sagot. (halimbawa, kung napansin mong A, A, B, B, ang iyong mga naunang sagot at ikaw ay siguradong tama sa mga iyon, huwag mong isiping ang susunod na sagot ay A muli)
- kapag wala talagang maisagot, piliin na lang ang "C." ayon sa statistical analysis ng mga exam, sa "C" kadalasang inilalagay ang tamang sagot.
Ayon sa ilan sa mga nakaraang batches ng ALS students, MADALI lang *daw ang mga tanong sa multiple choice. INTINDIHIN lamang mabuti ang mga ito. Narito ang ilan sa mga tips na kanilang ibinahagi:
- marami sa mga pagpipilian ay halata kung ano ang tamang sago
- sa mga tanong na ang mga pagpipilian ay mayroong higit sa isa ang parang tama, intindihing mabuti ang mga ito at piliin ang PINAKATAMA-at-akma sa tanong
- mag-ingat sa mga tanong na may salitang "hindi", "salungat" (o katumbas na salita), ang hinihinging sagot dito ay negatibo. (halimbawa: Alin ang hindi nararapat gawin kapag may paparating na kalamidad. a. lumikas sa ligtas na lugar b. i-secure ang mga mahahalagang papeles c. mag-inuman habang hinihintay ang kalamidad d. mag-imbak ng pagkain)
- sa mga tanong na hindi mo sigurado ang iyong sagot, isulat sa scratch paper ang number ng tanong na ito at balikan kung mayroong oras pa.
- siguraduhing masagutan ang lahat ng items, kung hindi talaga alam ang sagot, piliin na lamang ang "C"
TO GOD BE THE GLORY!
ALS Essay Examples →