Monday, May 7, 2012

ALS student ka ba? Tambay na sa DepEd-ALS.com at mag-review ng LIBRE

Alternative Learning System

ALS A&E TestPangunahing layunin ng may-akda ng website na ito ay ang makapag-bahagi ng reviewers, lalo't higit ng mga sample essays. Gayundin ang makapag-bigay ng tips-and-guides at iba pang impormasyon at updates patungkol sa programa ng Gobyerno ng Pilipinas sa pamamahala ng Department of Education (DepEd) na Alternative Learning System Accreditation & Equivalency (ALS A&E) System.

Kami ay grupo ng mga successful passers sa mga nakaraang Alternative Learning System examinations at hangad na mai-share ang blessings sa mga kasalukuyang  ALS students sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalaman at resources upang sila'y matulungang magtagumpay sa susunod na ALS examination.

Kung ikaw naman ay isa sa mga hindi pinalad makapasa sa Alternative Learning System 2011 na ginanap noong October 2011 (at sa mga nakaraan pa), huwag mawalan ng pag-asa. Mag-register lang muli para sa susunod na ALS A&E Test, ugaliing tumambay dito at regular na mag-review. Tulad ninyo, ang ilan din sa amin ay mga nag-retake, at bunga ng dobleng pagsisikap sa pagre-review at sa mga pointers na ibinahagi ng mga successful passers ay pinalad na makapasa at kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo.

Pipilitin naming gawing interactive ang website na 'to, kung saan ang mga kapwa visitors (ALS students) ay makabuluhang makakapagpalitan ng ideas. Susubukan din naming makakalap ng suporta mula sa ilang piling ALS implementors at mga matatagumpay na nakapasa sa mga nakaraang Alternative Learning System Exam tulad namin.

ALS Test Successful PassersHangad namin na ang lahat ng regular na nagre-review sa website na ito ay mapagtagumpayan ang nalalapit na ALS examination. Inaasahan din namin na kayo future successful passers ang mapagpapatuloy ng nasimulang adhikain ng website na ito - ang mga susunod na magbabahagi ng inyong mga oras at kaalaman upang matulungan ang mga future ALS takers na gaya nating minsa'y sinubok ng panahon at ngayo'y nagsisikap upang muling bumangon.

Sa pamamagitan ng ALS A&E System, ang bawat isa sa atin ay mabibigyan ng pagkakataon na makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo, makapagtapos, at magkaroon ng mas malaking opportunidad na umunlad ang buhay.

Ugaliin nating maging biyaya sa ating kapwa, patnubayan nawa tayo ng Maykapal.