• This is slide 1 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 2 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 3 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 4 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 5 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
Showing posts with label ALS DepED. Show all posts
Showing posts with label ALS DepED. Show all posts

Friday, October 12, 2012

Essay Samples Titles, Themes, Topic Request

Ipagpaumanhin ninyo kung hindi naa-update ang website na ito gaya ng orihinal na plano.

Nalalapit na ang
ALS 2012 Examination, karamihan sa inyo ay higit na nag-aalala sa Essay na bahagi ng pagsusulit kumpara sa sa Multiple Choice.

Sa layunin ng may-akda ng
website na ito na makatulong sa mga ALS Students ay inaanyayahan ang ilan sa mga makababasa na magpadala ng Essay Titles / Themes / Topic  sa ating facebook page https://www.facebook.com/DepEdALS at pipilitin itong gawin ng inyong lingkod at i-share dito sa website para maging additional guide/reference ng lahat.
Gabayan nawa tayong lahat ng Maykapal.

Saturday, June 9, 2012

Sino-sino ang mga Qualified Kumuha ng Test?

Alternative Learning System

Elementary Level ALS A&E Test:
  • Kung hindi mo natapos ang elementary sa anumang kadahilanan at ikaw ay 11-taong gulang pataas bago o sa araw ng itinakdang petsa ng ALS test, ikaw ay qualified kumuha ng Elementary Level ALS A&E Test.

Secondary Level ALS A&E Test:
  • Kung ikaw ay nakapagtapos ng elementary ngunit hindi natapos ang high school sa anumang kadahilanan at ikaw ay 15-taong gulang pataas bago o sa araw ng itinakdang petsa ng ALS test, ikaw ay qualified kumuha ng Secondary Level ALS A&E Test.
  • Ang mga hindi pinalad makapasa sa mga nakaraang taon ng ALS Test ay pinapahintulutang mag-retake.
  • Ang mga nagpa-register at nag-review sa nakaraang ALS program, ngunit hindi nakapunta sa itinakdang petsa ng ALS test ay inaanyayahang magpa-register muli.
  • Sinumang mga kabataan o mga matatanda na kasalukuyang nag-aaral ngunit overaged para sa elementary level(mahigit 11-taong gulang) o para sa high school(mahigit 15-taong gulang).

Reference: DepED.gov.ph

Friday, June 8, 2012

Anu-ano ang mga Requirements?

Alternative Learning System

Ang mga magpapa-register para sa 2012 ALS A&E Test ay kinakailangang magpasa ng mga sumusunod na documents sa araw ng pagpapa-register.

1. Dalawang (2) piraso ng 2"x2" ID photo with name tag sa ganitong format: SURNAME, FIRST NAME & MIDDLE NAME.
Example:
DELA CRUZ, JUAN SANTOS

2. Original and xerox copies ng alin man sa mga sumusunod na government-issued identification:
a. Valid Driver's License
b. Valid Passport
c. Voter's ID
d. SSS/GSIS ID
e. Postal ID
f. NBI Clearance (xerox copy not needed)
g. Barangay Certification with photo (stating Complete Name and Date of Birth of the prospective registrant)
Ang ibang mga ID na hindi kabilang sa mga nabanggit ay hindi tatanggapin. Kinakailangang sa ipi-prisintang ID ay mayroong litrato ng magpapa-register.

3. Ang mga school drop-outs na kasalukuyang walang trabaho at/o wala sa hustong gulang para magkaroon ng mga documents/valid IDs na nabanggit ay kinakailangang magpasa ng Authenticated Birth Certificate mula sa National Statistics Office.

Reference: DepED.gov.ph

Kailan ang Registration?

Alternative Learning System

Ang registration period ay magsisimula sa June 12, 2012 hanggang July 31, 2012.

Wala pong babayaran sa pagpapa-register.

Kumpletuhin ang mga requirements at dalhin sa pinakamalapit na Registration and Testing Center sa inyong lugar. Sakaling hindi mo alam kung saan ang mga ito, maaari kang magsadya sa inyong barangay hall, sa pinakamalapit na public school (elementary o high school) sa inyong lugar, o personal na magtanong sa kahit na sinong public school teacher at siguradong maibibigay sayo ang impormasyong iyong kailangan patungkol sa 2012 ALS A&E Test.

Maari ding tumawag sa Bureau of Alternative Learning System (BALS) hotline (02) 635-5193 para sa kumpletong impormasyon.


Reference: DepED.gov.ph

Thursday, June 7, 2012

Kailan ang Date ng Test?

Alternative Learning System

Ang mga sumusunod ay ang mga bagong schedule kung kailan gaganapin ang 2012 ALS A&E Test sa bawat regions.

UPDATE: (November 17, 2012)


New Date of TestRegions Covered
November 25, 2012Regions IV-A, IV-B, & NCR
December 2, 2012Regions I, II, III, & CAR
December 9, 2012Regions V, VI, VII, & VIII
December 16, 2012Regions IX, X, XI, XII, CARAGA, & ARMM

Reference: http://www.deped.gov.ph/updates/updateslinks.asp?id=1377

** Click the photo to zoom. This photo is uploaded for information purposes only. NO intention of reproduction (for monetary profit), NO attempt of tampering, or whatsoever.



UPDATE: (October 21, 2012)

Ang orihinal na schedule ng 2012 ALS A&E Test ay na-postpone. Ang inyong mababasa sa ibaba ay ang opisyal na mensahe mula sa DepED patungkol dito. 





ORIGINAL POST:

Ang mga sumusunod ay ang mga schedule kung kailan gaganapin ang 2012 ALS A&E Test sa bawat regions.

Date of TestRegions Covered
October 07, 2012Regions IX, X, XI, XII, Caraga and ARMM
October 14, 2012Regions V, VI, VII and VIII
October 21, 2012Regions I, II, III and CAR
October 28, 2012Regions IV-A, IV-B and NCR

Siguraduhing makapagpa-register sa pinakamalapit na itinalagang Registration and Testing Center sa inyong lugar.

Reference: DepED.gov.ph

Monday, May 7, 2012

ALS student ka ba? Tambay na sa DepEd-ALS.com at mag-review ng LIBRE

Alternative Learning System

ALS A&E TestPangunahing layunin ng may-akda ng website na ito ay ang makapag-bahagi ng reviewers, lalo't higit ng mga sample essays. Gayundin ang makapag-bigay ng tips-and-guides at iba pang impormasyon at updates patungkol sa programa ng Gobyerno ng Pilipinas sa pamamahala ng Department of Education (DepEd) na Alternative Learning System Accreditation & Equivalency (ALS A&E) System.

Kami ay grupo ng mga successful passers sa mga nakaraang Alternative Learning System examinations at hangad na mai-share ang blessings sa mga kasalukuyang  ALS students sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalaman at resources upang sila'y matulungang magtagumpay sa susunod na ALS examination.

Kung ikaw naman ay isa sa mga hindi pinalad makapasa sa Alternative Learning System 2011 na ginanap noong October 2011 (at sa mga nakaraan pa), huwag mawalan ng pag-asa. Mag-register lang muli para sa susunod na ALS A&E Test, ugaliing tumambay dito at regular na mag-review. Tulad ninyo, ang ilan din sa amin ay mga nag-retake, at bunga ng dobleng pagsisikap sa pagre-review at sa mga pointers na ibinahagi ng mga successful passers ay pinalad na makapasa at kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo.

Pipilitin naming gawing interactive ang website na 'to, kung saan ang mga kapwa visitors (ALS students) ay makabuluhang makakapagpalitan ng ideas. Susubukan din naming makakalap ng suporta mula sa ilang piling ALS implementors at mga matatagumpay na nakapasa sa mga nakaraang Alternative Learning System Exam tulad namin.

ALS Test Successful PassersHangad namin na ang lahat ng regular na nagre-review sa website na ito ay mapagtagumpayan ang nalalapit na ALS examination. Inaasahan din namin na kayo future successful passers ang mapagpapatuloy ng nasimulang adhikain ng website na ito - ang mga susunod na magbabahagi ng inyong mga oras at kaalaman upang matulungan ang mga future ALS takers na gaya nating minsa'y sinubok ng panahon at ngayo'y nagsisikap upang muling bumangon.

Sa pamamagitan ng ALS A&E System, ang bawat isa sa atin ay mabibigyan ng pagkakataon na makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo, makapagtapos, at magkaroon ng mas malaking opportunidad na umunlad ang buhay.

Ugaliin nating maging biyaya sa ating kapwa, patnubayan nawa tayo ng Maykapal.