• This is slide 1 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 2 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 3 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 4 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 5 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
Showing posts with label Alternative Learning System. Show all posts
Showing posts with label Alternative Learning System. Show all posts

Thursday, September 4, 2014

WIkang Filipino, Essay Idea Source

Essay Idea Source: Wikang Filipino


Ang video clip na ito ng BANDILA (ABS-CBN, Channel 2) ay mula sa kanilang segment na Bandila-Xtra: Ebolusyon ng Wika na isinampapawid noong August 25, 2014.

Ang video clip na ito ay mapagkukunan natin ng mga karagdagang ideya para sa essay topic na tungkol sa Wikang Filipino


Video Credit: BANDILA, ABS-CBN Channel 2

NO INTENTION OF COPYRIGHT INFRINGEMENT

Friday, August 22, 2014

Paano Makakagawa ng Essay sa Loob ng Tatlumpung (30) Minuto?




Essay Writing Tips


Mga Tips Upang Maging Mabilis ang Paggawa ng Sanaysay

Marami ang nagsasabing imposible ang makagawa ng essay sa loob ng 30-45 minutes na karaniwang time limit na ibinibigay sa ALS A&E Test.

Narito ang ilan sa mga tips na makakatulong upang mapabilis ang iyong paggawa ng essay:
  • Magkaroon ng sapat na kaalaman sa basics ng Filipino grammar.
  • Gumawa ng balangkas (outline).
  • Huwag masyadong lakihan ang sulat.
  • Huwag masyadong ma-pressure sa itinakdang oras.
  • Paulit-ulit na pagpa-praktis.


Ipagpatuloy →

Friday, October 12, 2012

Essay Samples Titles, Themes, Topic Request

Ipagpaumanhin ninyo kung hindi naa-update ang website na ito gaya ng orihinal na plano.

Nalalapit na ang
ALS 2012 Examination, karamihan sa inyo ay higit na nag-aalala sa Essay na bahagi ng pagsusulit kumpara sa sa Multiple Choice.

Sa layunin ng may-akda ng
website na ito na makatulong sa mga ALS Students ay inaanyayahan ang ilan sa mga makababasa na magpadala ng Essay Titles / Themes / Topic  sa ating facebook page https://www.facebook.com/DepEdALS at pipilitin itong gawin ng inyong lingkod at i-share dito sa website para maging additional guide/reference ng lahat.
Gabayan nawa tayong lahat ng Maykapal.

Saturday, June 9, 2012

Sino-sino ang mga Qualified Kumuha ng Test?

Alternative Learning System

Elementary Level ALS A&E Test:
  • Kung hindi mo natapos ang elementary sa anumang kadahilanan at ikaw ay 11-taong gulang pataas bago o sa araw ng itinakdang petsa ng ALS test, ikaw ay qualified kumuha ng Elementary Level ALS A&E Test.

Secondary Level ALS A&E Test:
  • Kung ikaw ay nakapagtapos ng elementary ngunit hindi natapos ang high school sa anumang kadahilanan at ikaw ay 15-taong gulang pataas bago o sa araw ng itinakdang petsa ng ALS test, ikaw ay qualified kumuha ng Secondary Level ALS A&E Test.
  • Ang mga hindi pinalad makapasa sa mga nakaraang taon ng ALS Test ay pinapahintulutang mag-retake.
  • Ang mga nagpa-register at nag-review sa nakaraang ALS program, ngunit hindi nakapunta sa itinakdang petsa ng ALS test ay inaanyayahang magpa-register muli.
  • Sinumang mga kabataan o mga matatanda na kasalukuyang nag-aaral ngunit overaged para sa elementary level(mahigit 11-taong gulang) o para sa high school(mahigit 15-taong gulang).

Reference: DepED.gov.ph

Friday, June 8, 2012

Anu-ano ang mga Requirements?

Alternative Learning System

Ang mga magpapa-register para sa 2012 ALS A&E Test ay kinakailangang magpasa ng mga sumusunod na documents sa araw ng pagpapa-register.

1. Dalawang (2) piraso ng 2"x2" ID photo with name tag sa ganitong format: SURNAME, FIRST NAME & MIDDLE NAME.
Example:
DELA CRUZ, JUAN SANTOS

2. Original and xerox copies ng alin man sa mga sumusunod na government-issued identification:
a. Valid Driver's License
b. Valid Passport
c. Voter's ID
d. SSS/GSIS ID
e. Postal ID
f. NBI Clearance (xerox copy not needed)
g. Barangay Certification with photo (stating Complete Name and Date of Birth of the prospective registrant)
Ang ibang mga ID na hindi kabilang sa mga nabanggit ay hindi tatanggapin. Kinakailangang sa ipi-prisintang ID ay mayroong litrato ng magpapa-register.

3. Ang mga school drop-outs na kasalukuyang walang trabaho at/o wala sa hustong gulang para magkaroon ng mga documents/valid IDs na nabanggit ay kinakailangang magpasa ng Authenticated Birth Certificate mula sa National Statistics Office.

Reference: DepED.gov.ph

Kailan ang Registration?

Alternative Learning System

Ang registration period ay magsisimula sa June 12, 2012 hanggang July 31, 2012.

Wala pong babayaran sa pagpapa-register.

Kumpletuhin ang mga requirements at dalhin sa pinakamalapit na Registration and Testing Center sa inyong lugar. Sakaling hindi mo alam kung saan ang mga ito, maaari kang magsadya sa inyong barangay hall, sa pinakamalapit na public school (elementary o high school) sa inyong lugar, o personal na magtanong sa kahit na sinong public school teacher at siguradong maibibigay sayo ang impormasyong iyong kailangan patungkol sa 2012 ALS A&E Test.

Maari ding tumawag sa Bureau of Alternative Learning System (BALS) hotline (02) 635-5193 para sa kumpletong impormasyon.


Reference: DepED.gov.ph

Thursday, June 7, 2012

Kailan ang Date ng Test?

Alternative Learning System

Ang mga sumusunod ay ang mga bagong schedule kung kailan gaganapin ang 2012 ALS A&E Test sa bawat regions.

UPDATE: (November 17, 2012)


New Date of TestRegions Covered
November 25, 2012Regions IV-A, IV-B, & NCR
December 2, 2012Regions I, II, III, & CAR
December 9, 2012Regions V, VI, VII, & VIII
December 16, 2012Regions IX, X, XI, XII, CARAGA, & ARMM

Reference: http://www.deped.gov.ph/updates/updateslinks.asp?id=1377

** Click the photo to zoom. This photo is uploaded for information purposes only. NO intention of reproduction (for monetary profit), NO attempt of tampering, or whatsoever.



UPDATE: (October 21, 2012)

Ang orihinal na schedule ng 2012 ALS A&E Test ay na-postpone. Ang inyong mababasa sa ibaba ay ang opisyal na mensahe mula sa DepED patungkol dito. 





ORIGINAL POST:

Ang mga sumusunod ay ang mga schedule kung kailan gaganapin ang 2012 ALS A&E Test sa bawat regions.

Date of TestRegions Covered
October 07, 2012Regions IX, X, XI, XII, Caraga and ARMM
October 14, 2012Regions V, VI, VII and VIII
October 21, 2012Regions I, II, III and CAR
October 28, 2012Regions IV-A, IV-B and NCR

Siguraduhing makapagpa-register sa pinakamalapit na itinalagang Registration and Testing Center sa inyong lugar.

Reference: DepED.gov.ph

Tama ba ang Paraan mo ng Pagre-Review?

Alternative Learning System

Maraming epektibo at subok na pamamaraan sa pagre-review. Ngunit pagtataka ng marami sa atin kung bakit ang mga pamamaraang epektibo sa iba ay hindi naman sa iba, bakit nga ba? Ang tanong na 'yan ang purpose na masagot ng article na ito - ang makilala ang ating mga sarili kung anong type of learner ba tayo, at kung sa anong pamamaraan ang pinaka-epektibo para sa atin.

Sasang-ayon at makakapagpatunay ang karamihan na ang pinaka-epektibong paraan para matandaan o matutunan ang ating mga inaaral ay kung ito ay paulit-ulit na nakikita, binabasa, sinasabi, nadidinig, o ginagawa. Mahalagang malaman natin kung alin/anu-ano sa mga nabanggit ang pinaka-epektibo para sa bawat isa sa atin.

Mayroong three basic types of learning ito ay ang visual, auditory, at haptic. Basahing mabuti ang mga discussion sa mga sumusunod na pangungusap at suriin kung anung type of learner ikaw nabibilang.

Three Basic Types of Learning:
Visual. Kung napapansin mong mas madali mong matutunan ang mga lesson kapag ginagamitan ng mga drawing, animation, graphics, at computer effects, walang dudang visual learner ka. Ilan pang palatandaan na nabibilang ka sa uring ito ay (1) kung ikaw ay nasa classroom, tinitignan mo ang iyong teacher habang sya'y nagtuturo at sinusulat nang detalyado ang mga lectures. (2) Kung ikaw naman ay nagre-review, gusto mong tahimik ang iyong kapaligiran. (3) Kung iyong isinusulat ang iyong mga reviewer at paulit-ulit na binabasa(sa isip, hindi binibigkas).

Auditory. Ikaw ay nabibilang sa uring ito kung (1) halimbawa sa classroom, natututunan mo agad ang lecture ng teacher habang dini-discuss(sinasabi) pa lamang ito. (2) Kung sa group discussion ay  hindi ka nalilito sa ideas mula sa iyong ka-grupo kahit sila ma'y sabay-sabay na nagsasalita. (3) Kapag ikaw ay nagre-review, inuulit mong sabihin ang iyong nabasa para ma-convince mo ang sarili mong kabisado at naintindihan mo ang iyong inaral. Kung sa ganitong mga pamamaraan mas mabilis mag-register sa isip mo ang mga lesson, auditory learner ka. Ilan pang palatadaan ay kung hindi ka masyado mahilig mag-take down ng notes; nakakaramdam ng pagkabagot kapag nagbabasa at nagsusulat; at, hindi nadi-distract sa ingay ng kapaligiran habang nagre-review.

Haptic. Kung para sayo ay mas madaling makapag-kabisa ng lesson habang ika'y naglalakad, nakatayo, nanunuod ng TV, nakikinig ng radyo, habang nasa dyip, kumakain, nagte-text, nagpe-Facebook, o kung anumang may kasabay o pahapyaw na ginagawa habang nagre-review, haptic learner ang tawag sa'yo. Sa mas malinaw na pagpapaliwanag, nabibilang ka sa uring ito kung ikaw yung tipo na hindi epektibo ang tradisyunal na pamamaraan na nakaupo at nasa tahimik na lugar habang nag-aaral. Isa pang palataan ay kung ikaw ay nakakaramdam ng matinding pagkabagot sa mahabang oras na iisa lang ang ginagawa(mag-review), garantisadong haptic learner ka nga.

Huwag mabahala sa kung anumang classification ka nabibilang, dahil magkakasing-tulad lang naman ng bisa ang tatlong basic types of learning kung effectiveness ang pag-uusapan. Huwag ding malito sa tatlo kung saan ka lamang nabibilang, maaring maging kabilang ka sa visual learner lamang, o sa parehong visual at auditory learner, o di kaya'y sa lahat - visual, auditory, at haptic learner. Ito ay nakadepende sa kakayahan ng bawat isa at nakadepende din sa subject na inaaral. Ang mahalaga ay malaman mo kung saang pamamaraan higit na epektibong magre-register sa iyong isip ang iyong mga nire-review. At kapag lubusan mo nang nalaman kung saang classification ka nabibilang, mag-concentrate ka na lamang nang mas madalas sa pamamaraang iyon at isantabi pansamantala ang iba.

Thursday, May 17, 2012

Filipino Essay

Ano ba ang Essay?

Ang essay o  sanaysay sa Filipino ay isang uri ng maigsing komposisyon (pagsulat) na kung saan ang nilalaman ay kalimitang personal na opinyon, makatotohanang pananaw, o karanasan ng may-akda patungkol sa itinakdang tema o paksang tinatalakay.

Maaaring hindi napupuna ng karamihan, ang essay ang pinakamadalas na ginagamit na uri ng written literature sa kasalukuyan. Sa pag-aaral, essay writing ang kadalasang pamamaraan na ginagamit upang mai-express ng kumpleto at malinaw ang points of view sa topic o tanong. Gayundin naman kapag nag-aapply ng trabaho, kabilang ang essay writing sa ginagamit na panukat ng mga recruitment officers sa kaalaman ng applicants. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong kaalaman sa pagsulat ng essay. Patunay na ang essay writing skills ay mahalagang kaalaman na mapapakinabangan ng bawat isa, hindi lamang sa paaralan kundi pati rin sa totoong laban ng buhay.

Mayroong dalawang uri ang sanaysay: ang pormal at impormal (di-pormal). Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang nangangailangan ng pagsasaliksik. Ang mga nilalamang impormasyon ay hindi lamang purong personal na opinyon ng may-akda, kinakailangang may pinagbatayang pag-aaral o mga pananalita mula sa mga kilalang tao sa larangan ng paksang tinatalakay. Ang mga salitang ginagamit sa uri ng sanaysay na ito ay masusing pinipili - teknikal at matalinhaga. Ang impormal o di-pormal na sanaysay naman ay masasabing mas malawak ang mga paksang maaring talakayin at nangangailangan lamang ng sariling opinyon o personal na karanasan ng may-akda. Ang mga salitang ginagamit ay hindi nangangailangang teknikal o matalinhaga. 

Isa pang punto ng pagkakaiba ng dalawang uri ng sanaysay ay ang pamamaraan ng pag-deliver ng pananaw (points of view). Ang pormal na sanaysay ay sinusulat sa pamamaraang  objective o di kumikiling (neutral) sa pananaw ng may-akda. Ang impormal na sanaysay naman ay sa pamamaraang subjective dahil pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

Upang mas madaling maunawaan, bisitahin ang article na ito sa mga susunod na araw para sa mga essay samples.

Maaaring tanong ng ilan kung anong uri ng essay ang kinakailangan para sa Composition Writing na bahagi ng ALS A&E Test, ang sagot ay naka-depende sa mga tema o paksang ibibigay sa mismong examination day. Kaya nire-rekomendang pag-aralan ang parehong uri.

Walang dapat ipangamba sa bahagi ng ALS Test na essay writing, sundin lamang ang mga pamantayan sa pagsulat ng essay at sa tulong ng mga ideya mula sa mga essay samples mula sa website na ito. Kasabay ng pagsisikap mong mag-review ay siguradong makalipas lamang ng ilang araw ay magiging madali na para sayo ang pag-compose ng essay sa kahit ano pa mang tema o paksa.


References: wikipedia.org, sanaysay.org

Monday, May 7, 2012

ALS student ka ba? Tambay na sa DepEd-ALS.com at mag-review ng LIBRE

Alternative Learning System

ALS A&E TestPangunahing layunin ng may-akda ng website na ito ay ang makapag-bahagi ng reviewers, lalo't higit ng mga sample essays. Gayundin ang makapag-bigay ng tips-and-guides at iba pang impormasyon at updates patungkol sa programa ng Gobyerno ng Pilipinas sa pamamahala ng Department of Education (DepEd) na Alternative Learning System Accreditation & Equivalency (ALS A&E) System.

Kami ay grupo ng mga successful passers sa mga nakaraang Alternative Learning System examinations at hangad na mai-share ang blessings sa mga kasalukuyang  ALS students sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalaman at resources upang sila'y matulungang magtagumpay sa susunod na ALS examination.

Kung ikaw naman ay isa sa mga hindi pinalad makapasa sa Alternative Learning System 2011 na ginanap noong October 2011 (at sa mga nakaraan pa), huwag mawalan ng pag-asa. Mag-register lang muli para sa susunod na ALS A&E Test, ugaliing tumambay dito at regular na mag-review. Tulad ninyo, ang ilan din sa amin ay mga nag-retake, at bunga ng dobleng pagsisikap sa pagre-review at sa mga pointers na ibinahagi ng mga successful passers ay pinalad na makapasa at kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo.

Pipilitin naming gawing interactive ang website na 'to, kung saan ang mga kapwa visitors (ALS students) ay makabuluhang makakapagpalitan ng ideas. Susubukan din naming makakalap ng suporta mula sa ilang piling ALS implementors at mga matatagumpay na nakapasa sa mga nakaraang Alternative Learning System Exam tulad namin.

ALS Test Successful PassersHangad namin na ang lahat ng regular na nagre-review sa website na ito ay mapagtagumpayan ang nalalapit na ALS examination. Inaasahan din namin na kayo future successful passers ang mapagpapatuloy ng nasimulang adhikain ng website na ito - ang mga susunod na magbabahagi ng inyong mga oras at kaalaman upang matulungan ang mga future ALS takers na gaya nating minsa'y sinubok ng panahon at ngayo'y nagsisikap upang muling bumangon.

Sa pamamagitan ng ALS A&E System, ang bawat isa sa atin ay mabibigyan ng pagkakataon na makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo, makapagtapos, at magkaroon ng mas malaking opportunidad na umunlad ang buhay.

Ugaliin nating maging biyaya sa ating kapwa, patnubayan nawa tayo ng Maykapal.