Friday, June 8, 2012

Anu-ano ang mga Requirements?

Alternative Learning System

Ang mga magpapa-register para sa 2012 ALS A&E Test ay kinakailangang magpasa ng mga sumusunod na documents sa araw ng pagpapa-register.

1. Dalawang (2) piraso ng 2"x2" ID photo with name tag sa ganitong format: SURNAME, FIRST NAME & MIDDLE NAME.
Example:
DELA CRUZ, JUAN SANTOS

2. Original and xerox copies ng alin man sa mga sumusunod na government-issued identification:
a. Valid Driver's License
b. Valid Passport
c. Voter's ID
d. SSS/GSIS ID
e. Postal ID
f. NBI Clearance (xerox copy not needed)
g. Barangay Certification with photo (stating Complete Name and Date of Birth of the prospective registrant)
Ang ibang mga ID na hindi kabilang sa mga nabanggit ay hindi tatanggapin. Kinakailangang sa ipi-prisintang ID ay mayroong litrato ng magpapa-register.

3. Ang mga school drop-outs na kasalukuyang walang trabaho at/o wala sa hustong gulang para magkaroon ng mga documents/valid IDs na nabanggit ay kinakailangang magpasa ng Authenticated Birth Certificate mula sa National Statistics Office.

Reference: DepED.gov.ph