• This is slide 1 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 2 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 3 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 4 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...
  • This is slide 5 description. Go to Edit HTML of your blogger blog. Find these sentences. You can replace these sentences with your own words. This is a Blogger template by NewBloggerThemes.com...

Tuesday, June 19, 2012

Filipino Lesson - Wastong Paggamit ng NG at NANG

ALS Review

Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung nabaliktad ang ating paggamit sa ng at nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga ito.

Sa lesson na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para malaman kung ano ang dapat gamitin sa ng o nang sa isang pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung kailan kailangang gamitin ang nang ang sa isang pangungusap:

Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb).
Talon nang talon ang mga bata.
Lipad nang lipad ang mga kalapati.

Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).
Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.

Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.
Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente.

Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.

Mga Halimbawa:
Ang lupaing ito ay pag-aari ng mga Reyes.
Si Marko ang siga ng Maynila.
Inubos ng bata ang kanyang pera sa pagkain.
Si Lupe ay inakusahang nagnakaw ng paninda.

Problem Solving - Meralco

ALS Review

Mayroong dalawang uri ng electric meter o kuntador na mas-kilala ng karamihan, ito ay ang digital at analog electric meter.

Digital Electric Meter
Sa kasalukuyan, marami na rin ang gumagamit ng digital na kuntador. Dahil ito ay digital, ay mas madaling basahin at kalkulahin ang aktwal na nakukunsumong kuryente.
ALS Review - Meralco Digital Electric Meter
Photo Credit: Flickr
Ang mga pinakamalalaking numerong makikita sa LED display ng digital na kuntador ay ang kasalukuyang reading ng inyong nakunsumong kuryente. Karaniwan sa mga digital na kuntador ay mayroong feature na ipinapakita ang aktwal na nakukunsumong kuryente kung saan ito naka-kabit. Malaking tulong ang feature na ito upang ating malaman kung anu-ano sa ating mga de-kuryenteng appliances ang kumukunsumo ng malaki. Ito ang katumbas ng disk sa analog na kuntador o yung mapapansing umiikot ng mabagal o mabilis depende sa mga nakabukas na appliances.

Analog Electric Meter
Ang nananatiling may pinakamaraming gumagamit pa rin sa kasalukuyan.

Photo Credit: Google Images
Ang mga dials (parang maliliit na orasan) ang mga nagre-record ng nakunsumong kuryente (kwh). Ang bawat dials ay may nirirepresentang place values. Mula sa kanan, ang unang dial ay ones, ang sumunod ay tens, susundan ng hundreds, at thousands ang nasa pinaka-kaliwa. Subukan nating basahin ang sample sa itaas na analog na kuntador:

Dial Pointer x Place Value = Reading
2 x 1000 = 2000
9 x 100 = 900
8 x 10 = 80
1 x 1 = 1
Total = 2981 kwh

Huwag mag-alala kung sakaling magkamali ang taga-Meralco sa pag-record ng reading ng inyong kuntador para sa partikular na period dahil sa susunod na reading ay mai-o-offset naman ito.

Halimbawa:
Muling tignan ang sample na kuntador sa itaas, maaaring ang maging basa ng taga-Meralco ay 3081, pero ang totoong reading ay 2981. Lumalabas na dahil sa maling reading ay sumobra ito ng 100 kWh.
Ipagpalagay nating ang kuntador sa itaas ay ang reading para sa buwan ng May at mali itong nabasa na 3081. Kung ang average ninyong nakukunsumong kuryente kada buwan ay 200 kWh, ang reading ng inyong kuntador para sa sinundang buwan - April ay 2781. At sa susunod na reading para sa buwan ng June, ang magiging reading ng inyong kuntador ay 3181. Sa susunod na bill ang inyong lalabas na nakunsumo ay 100 kWh lamang.

May pagkakamali sa reading ng kuntador:
April (Tama ang Reading) = 2781
May (Mali ang Reading) = 3081
June (Tama ang Reading) = 3181
Total kwh Consumed = 400 kWh

Tama lahat ang reading sa kuntador:
April (Tama ang Reading) = 2781
May (Tama ang Reading) = 2981
June (Tama ang Reading) = 3181
Total kwh Consumed = 400 kWh

Mapapansing magkapareho lang ang total ng nakunsumong kuryente sa dalawang pagtatala sa itaas - sa mayroong pagkakamali sa reading at sa tama lahat ng reading sa bawat buwan. Siguradong nai-o-offset ito sa sumunod na buwan. Para mas madali pang maintindihan, pag-usapan natin ito sa pamamagitan ng presyo na makikita sa billing, ipagpalagay natin na ang rate sa bawat kWh na nakukunsumo ay P12.00.

Ang formula ay: 
Rate per kWh x (reading ng kasalukuyang buwan - reading ng nakaraang buwan) = Babayaran

May pagkakamali sa reading ng kuntador:
Ang babayaran para sa buwan ng May ay: P12.00 x (3081-2781) = P 3,600
Ang babayaran para sa buwan ng June ay: P12.00 x (3181-3081) = P 1,200

Tama lahat ang reading sa kuntador:
Ang babayaran para sa buwan ng May ay: P12.00 x (2981-2781) = P 2,400
Ang babayaran para sa buwan ng June ay: P12.00 x (3181-2981) = P 2,400

Parehong P 4,800 ang total ng babayaran ng dalawang pagtatala. Patunay lang na kung nagkaroon ng pagkakamali sa reading at naging dahilan ito ng biglang pag-laki ng inyong bill, asahan na sa susunod na buwan ay bababa ito. Kung ang problema naman ay ang inyong budget, kung P 2,400 and inyong budget bawat buwan ito lang ang ibayad, at sa susunod na buwan ay P 2,400 muli. Huwag mag-alala dahil ang Meralco ay nagbibigay ng 2 periods bago magputol ng serbisyo. Marahil ay sa kadahilanan ding ito at kanilang kino-consider ang human error na hindi naman naiiwasan paminsan-minsan ng lahat.

Tuesday, June 12, 2012

Ilan ang Score na Kailangan para Pumasa?

ALS Result

Nasimulan nang ipamahagi ang mga Certificate of Rating para sa nakaraang October 2011 Alternative Learning System Accreditation & Equivalency Test. Dito makikita ang scores sa bawat Paksa/Bahagi ng ALS Test. Lahat ng nag-test pumasa man o hindi ay mayroong matatanggap na Certificate of Rating gaya ng larawang makikita sa ibaba.



Kunin lamang ito sa Registration and Testing Center (RTC) kung saan ka nagpa-register. Makakakuha ka ng remarks na...

PASS
He/She has the competencies comparable to that of a secondary education graduate in the formal school sytem.

...kung ang SS (Standard Score) mo ay 100 o higit pa sa multiple choice na bahagi ng ALS Test at ang score mo na nakuha sa essay ay 2 o higit pa; o kaya ay ang SS ay 95-99 (sa multiple choice) at ang antas ng score sa essay ay 3 o 4.

Kahulugan mula sa DepED.gov.ph:
SS (Standard Score) - Nagsasabi ng kakayahan o kaalaman kapag ihahambing ang score niya sa score ng karaniwang grupo ng nakapagtapos ng sekondarya.
SS (Standard Score) - Indicates a test taker's knowledge and competence level in comparison with the norm group of high school graduates. The SS ranges from 60 to 120).
Ang certificate of rating ang ipi-prisinta ng successful ALS passers kapag mag-e-enroll sa college, o maging sa kumpanyang pag-a-apply-an. Ito ay katumbas ng High School Diploma at Report Card/Form 138-e ng mga nakapagtapos sa formal school system o yung mga regular na pumapasok sa paaralan.

Congratulations sa mga nakapasa!

Saturday, June 9, 2012

Sino-sino ang mga Qualified Kumuha ng Test?

Alternative Learning System

Elementary Level ALS A&E Test:
  • Kung hindi mo natapos ang elementary sa anumang kadahilanan at ikaw ay 11-taong gulang pataas bago o sa araw ng itinakdang petsa ng ALS test, ikaw ay qualified kumuha ng Elementary Level ALS A&E Test.

Secondary Level ALS A&E Test:
  • Kung ikaw ay nakapagtapos ng elementary ngunit hindi natapos ang high school sa anumang kadahilanan at ikaw ay 15-taong gulang pataas bago o sa araw ng itinakdang petsa ng ALS test, ikaw ay qualified kumuha ng Secondary Level ALS A&E Test.
  • Ang mga hindi pinalad makapasa sa mga nakaraang taon ng ALS Test ay pinapahintulutang mag-retake.
  • Ang mga nagpa-register at nag-review sa nakaraang ALS program, ngunit hindi nakapunta sa itinakdang petsa ng ALS test ay inaanyayahang magpa-register muli.
  • Sinumang mga kabataan o mga matatanda na kasalukuyang nag-aaral ngunit overaged para sa elementary level(mahigit 11-taong gulang) o para sa high school(mahigit 15-taong gulang).

Reference: DepED.gov.ph

Friday, June 8, 2012

Anu-ano ang mga Requirements?

Alternative Learning System

Ang mga magpapa-register para sa 2012 ALS A&E Test ay kinakailangang magpasa ng mga sumusunod na documents sa araw ng pagpapa-register.

1. Dalawang (2) piraso ng 2"x2" ID photo with name tag sa ganitong format: SURNAME, FIRST NAME & MIDDLE NAME.
Example:
DELA CRUZ, JUAN SANTOS

2. Original and xerox copies ng alin man sa mga sumusunod na government-issued identification:
a. Valid Driver's License
b. Valid Passport
c. Voter's ID
d. SSS/GSIS ID
e. Postal ID
f. NBI Clearance (xerox copy not needed)
g. Barangay Certification with photo (stating Complete Name and Date of Birth of the prospective registrant)
Ang ibang mga ID na hindi kabilang sa mga nabanggit ay hindi tatanggapin. Kinakailangang sa ipi-prisintang ID ay mayroong litrato ng magpapa-register.

3. Ang mga school drop-outs na kasalukuyang walang trabaho at/o wala sa hustong gulang para magkaroon ng mga documents/valid IDs na nabanggit ay kinakailangang magpasa ng Authenticated Birth Certificate mula sa National Statistics Office.

Reference: DepED.gov.ph

Kailan ang Registration?

Alternative Learning System

Ang registration period ay magsisimula sa June 12, 2012 hanggang July 31, 2012.

Wala pong babayaran sa pagpapa-register.

Kumpletuhin ang mga requirements at dalhin sa pinakamalapit na Registration and Testing Center sa inyong lugar. Sakaling hindi mo alam kung saan ang mga ito, maaari kang magsadya sa inyong barangay hall, sa pinakamalapit na public school (elementary o high school) sa inyong lugar, o personal na magtanong sa kahit na sinong public school teacher at siguradong maibibigay sayo ang impormasyong iyong kailangan patungkol sa 2012 ALS A&E Test.

Maari ding tumawag sa Bureau of Alternative Learning System (BALS) hotline (02) 635-5193 para sa kumpletong impormasyon.


Reference: DepED.gov.ph

Thursday, June 7, 2012

Kailan ang Date ng Test?

Alternative Learning System

Ang mga sumusunod ay ang mga bagong schedule kung kailan gaganapin ang 2012 ALS A&E Test sa bawat regions.

UPDATE: (November 17, 2012)


New Date of TestRegions Covered
November 25, 2012Regions IV-A, IV-B, & NCR
December 2, 2012Regions I, II, III, & CAR
December 9, 2012Regions V, VI, VII, & VIII
December 16, 2012Regions IX, X, XI, XII, CARAGA, & ARMM

Reference: http://www.deped.gov.ph/updates/updateslinks.asp?id=1377

** Click the photo to zoom. This photo is uploaded for information purposes only. NO intention of reproduction (for monetary profit), NO attempt of tampering, or whatsoever.



UPDATE: (October 21, 2012)

Ang orihinal na schedule ng 2012 ALS A&E Test ay na-postpone. Ang inyong mababasa sa ibaba ay ang opisyal na mensahe mula sa DepED patungkol dito. 





ORIGINAL POST:

Ang mga sumusunod ay ang mga schedule kung kailan gaganapin ang 2012 ALS A&E Test sa bawat regions.

Date of TestRegions Covered
October 07, 2012Regions IX, X, XI, XII, Caraga and ARMM
October 14, 2012Regions V, VI, VII and VIII
October 21, 2012Regions I, II, III and CAR
October 28, 2012Regions IV-A, IV-B and NCR

Siguraduhing makapagpa-register sa pinakamalapit na itinalagang Registration and Testing Center sa inyong lugar.

Reference: DepED.gov.ph

Tama ba ang Paraan mo ng Pagre-Review?

Alternative Learning System

Maraming epektibo at subok na pamamaraan sa pagre-review. Ngunit pagtataka ng marami sa atin kung bakit ang mga pamamaraang epektibo sa iba ay hindi naman sa iba, bakit nga ba? Ang tanong na 'yan ang purpose na masagot ng article na ito - ang makilala ang ating mga sarili kung anong type of learner ba tayo, at kung sa anong pamamaraan ang pinaka-epektibo para sa atin.

Sasang-ayon at makakapagpatunay ang karamihan na ang pinaka-epektibong paraan para matandaan o matutunan ang ating mga inaaral ay kung ito ay paulit-ulit na nakikita, binabasa, sinasabi, nadidinig, o ginagawa. Mahalagang malaman natin kung alin/anu-ano sa mga nabanggit ang pinaka-epektibo para sa bawat isa sa atin.

Mayroong three basic types of learning ito ay ang visual, auditory, at haptic. Basahing mabuti ang mga discussion sa mga sumusunod na pangungusap at suriin kung anung type of learner ikaw nabibilang.

Three Basic Types of Learning:
Visual. Kung napapansin mong mas madali mong matutunan ang mga lesson kapag ginagamitan ng mga drawing, animation, graphics, at computer effects, walang dudang visual learner ka. Ilan pang palatandaan na nabibilang ka sa uring ito ay (1) kung ikaw ay nasa classroom, tinitignan mo ang iyong teacher habang sya'y nagtuturo at sinusulat nang detalyado ang mga lectures. (2) Kung ikaw naman ay nagre-review, gusto mong tahimik ang iyong kapaligiran. (3) Kung iyong isinusulat ang iyong mga reviewer at paulit-ulit na binabasa(sa isip, hindi binibigkas).

Auditory. Ikaw ay nabibilang sa uring ito kung (1) halimbawa sa classroom, natututunan mo agad ang lecture ng teacher habang dini-discuss(sinasabi) pa lamang ito. (2) Kung sa group discussion ay  hindi ka nalilito sa ideas mula sa iyong ka-grupo kahit sila ma'y sabay-sabay na nagsasalita. (3) Kapag ikaw ay nagre-review, inuulit mong sabihin ang iyong nabasa para ma-convince mo ang sarili mong kabisado at naintindihan mo ang iyong inaral. Kung sa ganitong mga pamamaraan mas mabilis mag-register sa isip mo ang mga lesson, auditory learner ka. Ilan pang palatadaan ay kung hindi ka masyado mahilig mag-take down ng notes; nakakaramdam ng pagkabagot kapag nagbabasa at nagsusulat; at, hindi nadi-distract sa ingay ng kapaligiran habang nagre-review.

Haptic. Kung para sayo ay mas madaling makapag-kabisa ng lesson habang ika'y naglalakad, nakatayo, nanunuod ng TV, nakikinig ng radyo, habang nasa dyip, kumakain, nagte-text, nagpe-Facebook, o kung anumang may kasabay o pahapyaw na ginagawa habang nagre-review, haptic learner ang tawag sa'yo. Sa mas malinaw na pagpapaliwanag, nabibilang ka sa uring ito kung ikaw yung tipo na hindi epektibo ang tradisyunal na pamamaraan na nakaupo at nasa tahimik na lugar habang nag-aaral. Isa pang palataan ay kung ikaw ay nakakaramdam ng matinding pagkabagot sa mahabang oras na iisa lang ang ginagawa(mag-review), garantisadong haptic learner ka nga.

Huwag mabahala sa kung anumang classification ka nabibilang, dahil magkakasing-tulad lang naman ng bisa ang tatlong basic types of learning kung effectiveness ang pag-uusapan. Huwag ding malito sa tatlo kung saan ka lamang nabibilang, maaring maging kabilang ka sa visual learner lamang, o sa parehong visual at auditory learner, o di kaya'y sa lahat - visual, auditory, at haptic learner. Ito ay nakadepende sa kakayahan ng bawat isa at nakadepende din sa subject na inaaral. Ang mahalaga ay malaman mo kung saang pamamaraan higit na epektibong magre-register sa iyong isip ang iyong mga nire-review. At kapag lubusan mo nang nalaman kung saang classification ka nabibilang, mag-concentrate ka na lamang nang mas madalas sa pamamaraang iyon at isantabi pansamantala ang iba.

Monday, June 4, 2012

English Lesson - The Past Forms of Irregular Verbs

The Simple Tenses

:: The Past Form of Irregular Verbs
Ito ay ang mga verb (action words) na nabubuong past and past participle nang hindi nilalagyan ng d, ed, o ied. Malimit ay nagbabago ng spelling ang mga verbs na ganito, sila ay tinatawag na irregular verbs.
Ang tamang pamamaraan upang matutunan ay malaman at maging pamilyar sa present, past, at past participle form ng mga ganitong uri ng verb.

Example:
Present Past Past Participle
am was been
begin began begun
blow blew blown
break broke broken
catch caught caught
choose chose chosen
do did done
draw drew drawn
drink drank drunk
drive drove driven
eat ate eaten
fall fell fallen
fly flew flown
forget forgot forgotten
freeze froze frozen
go went gone
grow grew grown
hide hid hidden
know knew known
lose lost lost
ring rang rung
run ran run
see saw seen
shake shook shaken
shrink shrank shrunk
sing sang sung
sit sat sat
speak spoke spoken
steal stole stolen
take took taken
teach taught taught
throw threw thrown
wear wore worn
To see wider list of irregular verbs, visit English Lesson - Commonly Used Irregular Verbs

Tip: Ang nakakalito lamang sa lesson na ito ay ang past participle form of irregular verbs, kung ano ang kina-ibahan sa past tense at kung kailan ginagamit. Ang pinakamadaling palatandaan na kailangan gamitin ang past participle ay ang mga auxiliaries has o have(to form the present perfect tense), at had(to form past perfect tense). O kaya'y may kasamang shall o will(to form future perfect tense), at should, could, o would(to form modal verb). Kapag nakita sa pangungusap ang mga nabanggit na auxiliaries (has, have, had, shall have, will have, should have, could have, would have) past participle form of irregular ang dapat gamitin.

Notes and Example: Dahil nga ang mga verb na ito ay tinatawag na "irregular" wala silang sinusunod na pattern. Kaya pansamantala ay huwag munang pagtuunan ng pansin kung sila ba ay ginamit bilang present perfect tense, past perfect tense, future perfect tense, o modal verb. Ang layunin lang ng lesson na ito ay i-familiarize kayo kung paano ginamit ang irregular verbs in past participle form sa sentence.

:: have/has + past participle = present perfect tense
Rony has seen Leo in the woods.
They have taken the ALS test.

:: had + past participle = past perfect tense
Karl had sung on a TV show last week.

:: shall have/will have + past participle = future perfect tense
Thea shall have ridden the horse before the rain.
Ross will have thrown the garbage before daybreak.

:: should have/could have/would have + past participle = modal verb
She should have won in the contest last night.
They could have done the work on time.
Accident would have been avoided if extra precautions are practiced.

English Lesson - Commonly Used Irregular Verbs

List of Commonly Used Irregular Verbs

Base Form Past Tense Past Participle
arise arose arisen
awake awoke awoken
be was, were been
bear bore born/borne
beat beat beaten
become became become
begin began begun
behold beheld beheld
bend bent bent
bet bet bet
bid bade bidden
bid bid bid
bind bound bound
bite bit bitten
bleed bled bled
blow blew blown
break broke broken
breed bred bred
bring brought brought
build built built
burst burst burst
bust bust bust
buy bought bought
cast cast cast
catch caught caught
choose chose chosen
clap clapped clapped
cling clung clung
come came come
cost cost cost
creep crept crept
cut cut cut
dare dared dared
deal dealt dealt
dig dug dug
dive dived dived
do did done
draw drew drawn
dream dreamt dreamt
drink drank drunk
drive drove driven
dwell dwelt dwelt
eat ate eaten
fall fell fallen
feed fed fed
feel felt felt
fight fought fought
find found found
flee fled fled
fling flung flung
fly flew flown
forbid forbade forbidden
foresee foresaw foreseen
foretell foretold foretold
forget forgot forgotten
forgive forgave forgiven
forsake forsook forsaken
freeze froze frozen
frostbite frostbit frostbitten
get got gotten
give gave given
go went gone
go went gone/been
grind ground ground
grow grew grown
handwrite handwrote handwritten
have had had
hear heard heard
hide hid hidden
hit hit hit
hold held held
hurt hurt hurt
inlay inlaid inlaid
input input input
interlay interlaid interlaid
keep kept kept
kneel knelt knelt
know knew known
lay laid laid
lead led led
learn learnt learnt
leave left left
lend lent lent
let let let
lie lay lain
light lit lit
lose lost lost
make made made
mean meant meant
meet met met
pay paid paid
quit quit quit
read read read
ride rode ridden
run ran run
say said said
see saw seen
seek sought sought
sell sold sold
send sent sent
shake shook shaken
shine shone shone
sing sang sung
sit sat sat
sleep slept slept
speak spoke spoken
spend spent spent
spring sprang sprung
stand stood stood
steal stole stolen
swim swam swum
swing swung swung
take took taken
teach taught taught
tear tore torn
tell told told
think thought thought
throw threw thrown
understand understood understood
wake woke woken
wear wore worn
win won won
write wrote written

Reference: http://www.onlinemathlearning.com/past-participle.html

Sunday, June 3, 2012

Sample Test - The Past Forms of Regular Verbs

ALS Reviewer

Inirerekomendang basahin muna ang English Lesson - The Past Forms of Regular Verbs bago magpatuloy sagutan ang Sample Test na ito.

Sample Test:
Supply the correct past form of regular verbs in each item.
1. The victims of 911 attack last September 11, 2001 were ______ (bury) alive.
2. Rico and Gerry ______ (launch) their business yesterday.
3. Tina ______ (worry) for her son in his field trip last month.
4. Her mother ______ (bake) cake last weekend.
5. Peter ______ (party) last night in Simon's birthday bash.
6. We ______ (dine) together the other night.
7. Sheena ______ (type) her answers fast in the competition last year.
8. The President ______ (disclose) his bank statements in the press-con earlier morning today.
9. Mr. Cruz ______ (cook) our lunch a while ago.
10. Francis ______ (turn) in the wrong road in their trip last March.

Answers: 1. buried, 2. launched, 3. worried, 4. baked, 5. partied, 6. dined, 7. typed, 8. disclosed, 9. cooked, 10. turned (high-lite from here backwards to reveal the answers)

English Lesson - The Past Forms of Regular Verbs

The Simple Tenses

The Past Forms of Regular Verbs
Ang mga verb (o pandiwa sa Filipino) na nabubuong past and past participle kapag nilalagyan ng d, ed, o ied ay tinatawag na regular verbs.

Example:
He played basketball last week.
She walked in the seashore yesterday.
They visited the museum a month ago.
He cried in the movie house last night.

Tip: Ang isa sa mga mahahalagang matutunan sa lesson na ito ay ang maging familiar sa mga time expressions o salitang nagsisilbing keyword (palatandaan) para malaman na ang pangungusap ay natapos/nakaraan/nangyari na, at kailangang gamitan ng past form of the verb sa pamamagitan ng pagdadagdag ng d, ed o ied.
a minute ago an hour ago a day ago
a week ago a month ago a year ago
many years ago last week last year
last month last Monday last January
in 1983 in May 1983 yesterday
last night


Idinidikit ang d sa mga verb na nagtatapos sa vowel (katinig) na e.
bake baked
care cared
dine dined

Idinidikit ang ied sa mga verb na nagtatapos sa consonant (patinig) na y. Pinapalitan ang y ng i at dinidikitan ng ed.
fry fried
marry married
query queried

Idinidikit ang ed sa mga verb na nagtatapos sa mga letters bukod sa e at y (a b c d f g h i j k l m n o p q r s t u v w x z).
echo echoed
walk walked
ship shipped

Test your skills: Sample Test - The Past Forms of Regular Verbs